DE PUTA
Paano ba gumawa ng Egyptian crown?
Ewan ko ba
Dalawang magkasunod na sabado na kaming nababastos ng mga gwardiya sa aming pinakamamahal na unibersidad.Nakaugalian na kasi namin na pagkatapos ng training ay magbibihis kami sa CR ng isang building. Sinisigurado na namin na malinis ang aming mga paa at di kami nagtutulo ng putik. Kapag umuulan, di na kami dun nagbibihis.Nung Saturday before last, dun uli kami dumiretso. Aba, laking gulat na lang namin nang maabutan naming sarado ang pinto! Kaya naman nagtanong ang isa sa aking mga kasama dun sa gwardiya.XXX: Manong, pwede po ba kaming pumasok at gumamit ng CR?GUARD: Hindi, binababoy niyo kasi.XXX: Ano po?GUARD: Kasi kami yung pinapagalitan (at this point, umalis na kami)Nairita talaga ako. Magalang naman yung pagkakatanong namin tapos biglang diretsahang aakusahan kami na kami yung nambababoy ng CR nila. Di naman po fair yun. Naiintindihan naman namin na di dapat dumihan yan ah. Hindi kami yung nagpapahid ng putik sa loob. Hindi kami naghuhugas ng paa sa lababo. Di nga kami naghuhugas ng paa eh. Sabihin na nating di naman nila makikilala kung sinu-sino ang gumagamit ng CR, pero sana lang no, medyo magalang din ang pagsabi.Ganyan din yung nangyari sa amin sa isa pang building. Basang-basa kaming umakyat papuntang CR. GUARD: Psst! Hoy, hoy, hoy, magpunas nga kayo dun sa labas bago kayo umakyat!OK, fine, alam naming tumutulo kami at nanlilimahid sa putik, pero no, KONTING RESPETO NAMAN. Pwede naman sabihing, "Excuse me, mga miss, dito muna kayo magpalit ng sapatos at magpatulo ng konti, blahblah..." and we'll be glad to comply. Di naman dahil kami ay estudyante at guard ka lang kaya kami humuhingi ng respeto. Kaso lang tao tayong lahat at may karapatang IGALANG NG KAPWA.Nakakainis. Di bale, ikakain ko na lang ng tsokolate.