Lazy Days
BACKGROUND MUSIC: Here Without You (Three Doors Down)
Wala lang. Dumating at lumipas ang Balentayms tulad ng mga nakaraang Balentayms. Kahit wala aketch deyt, as it always has been for 464 years, hindi ako magbi-bitter-bitteran. Masaya ako. Botdei ng kapatid ko at may regalo ako sa kanyang dice na hikaw. Nagpunta kami ng mga prendliprends ko sa UP Fair. Astig! Asar ako sa mga jologs na nang-slam sa amin, nambuga ng sigarilyo sa mukha namin, saka muntik nang makatama sa amin ng water bottle.
May tatlong bombahang naganap noong Balentayms sa GenSan, Davao, at Makati. Nakakatawa, inanawns lang yan ng isang performer nung Fair. Malamang hindi ko malalaman yan, kasi di sinasadyang napasabog ng kapatid ko yung TV namin nung bandang patapos na ang Enero. Tapos nitong Linggo lang, nanakaw daw yung TV namin. Malas lang nung kumuha, hindi gumagana yun.
Haaaay. Masisingko yata ako sa lahat ng subjects ko dahil hindi ako pumapasok. Potah.
0 Ang Mortal na Sumamba:
Post a Comment
<< Home