Monday, January 09, 2006

Eeder deeder seeder dee

Hay naku. Bagong taon na, halos wala pa ring nagbago, bukod sa nadagdagan ang wrinkles ko at mas mayaman ako kaysa dati. Gago pa rin, batugan, isip tae, at walang magawang matino sa mundo kaya naman itlog pa rin sa pag-ibig.

Ayun. Hindi ko pa rin nakikita ang aking personal legend. Nanay ko na-regaluhan na ng medyas. Kapatid ko marunong na lumangoy. Yung isa ko pang kapatid, magaling na mag-drowing. At ano ako? Isang walang kwentang nilalang na masayang nagtuturo ng Ingles sa mga Koreano.

Eeder deeder seeder dee
Eeder needer deeder see
Deeder seeder eeder dee
Feeder deeder needer dee

0 Ang Mortal na Sumamba:

Post a Comment

<< Home