Sunday, February 20, 2005

In Mourning

Grabe...kagagaling ko lang sa Rizal, sa libing ng tatay ng best friend ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mapaniwalaan. Sobrang biglaan. Hindi mo talaga mapepredict kahit nung bandang huli na. Malakas pa si Papa.

Syet. Talagang ang kamatayan ay pumupunta kapag di ka handa.

Che, hindi na ako mag-o-offer ng comforting words and all that chuvanes. Di ko style yun. Basta, alam mo na yun. Malaki na tayo.

Joshua, salamat sa pagsabi. Sobrang nag-iba ang pagtingin ko sa iyo nitong mga nakaraang araw.

Kuya Bodie and Ate April, stay strong. Ngayon niyo kailangan ang isa't isa.

Mama Len, kaya niyo po yan. Maybe we can be better introduced in better days.

Papa, kung nasaan man kayo...enjoy.

Pakshet. Dito ako mahina eh.

1 Ang Mortal na Sumamba:

At Sunday, February 20, 2005 6:55:00 AM, Blogger a loner in the midst said...

ang buhay ay napakaikli... totoo yan. ang permanente lang sa mundong ibabaw ay ang PAGBABAGO. kamatayan ay hindi katapusan... bagkus simula sa panibagong... umm... kung ano man ang bago doon sa patutunguan nila. condolence nga pala kung sino man yun... totoong napakasakit mawalan ng minamahal at importanteng tao sa ating buhay... pero ganito na lang isipin natin na alam mong mas masaya na siya/sila ngayon dahil alam mong hindi na siya/sila naghihirap ngayon dahil siya/sila ngayo'y kasama na ng ating butihing Panginoon.
ako nga eh... masaklap din nangyari sa akin... ala pa akong masyadong napagsasabihan... gusto ko lang i-share. namatayan din kami, tita ko sa mother's side, kaya lang bago mamatay ang tita ko may alitan between my mom ang my cousins... galit na galit nga ako pati mga kapatid ko sa mga pinsan ko dahil binabastos nila mama ko na tumulong sa kanila all the way para ipagamot yung tita ko... unfortunately, namatay din. ayun... mga walang utang na loob 'tong mga pinsan ko [nakakahiya], pero mama ko napatawad na sila sa pambabastos na ginawa sa kanya... aba'y nde ako makakapayag... bastusan na ito... wahhhh... ay naku, sensya na... nalilihis na ako. naawa ako sa tita ko dahil ang pagkamatay niya ay nagdulot lang ng pagkakalayo namin sa pinsan ko... sana'y ang kamatayan ay 'wag maging dahilan ng inyong ikalulungkot/ikalulugmok bagkus... ito pa ang inyong maging kalakasan at pag-kakaisa. yun lang po.--> abbie

 

Post a Comment

<< Home