Tuesday, January 31, 2006

Grrrrrrrr.........

Nakakainis! Nagsisimula na akong matuwa sa mga Koreano! Nooooooooo!!!!!!!!

Ji Jin-hee, you broke my heart!

Buti na lang andyan pa sina Jee Hae at Jo Hyeon-Jae!

At syempre si...

Uy, secret. Forbidden love kasi yun. ^_^

Bad teacher.

Inner struggle

Nauubusan na ako ng lakas ng loob at kumpyansa sa sarili. Wala talaga akong ginawang matino sa buhay ko. Patuloy pa rin ang malaking pagpapanggap.

Nagsusulat ako hindi dahil may ipinaglalaban ako. Wala nga eh. Nagsusulat ako hindi dahil magaling ako magsulat. Hindi nga eh. Nagsusulat ako hindi para manggulo, kung sumagi man yon sa utak niyo. Nagsusulat ako dahil nafa-fascinate ako sa mga tula. Isa ito sa mga natitirang katotohanan sa buhay ko.

Kakahiram ko lang ng book na One Hundred Poems from the Japanese. Ang ganda. Naa-amaze ako sa kakayahan ng mga Japanese poets na isalin sa iilang salita ang kanilang kaluluwa. Ang galing.

Masubukan nga.

Tanka (5-7-5-7-7). Madalas dun ako sa bahay ng Koreano nagsusulat. Minsan sa bus, sa dyip, sa tren.

Regret
Tomorrow I die
The poem I want to leave
Dormant in my mind
Beauty that time allowed me
I sadly cannot capture

Jeopardy
Incriminating
Words spill freely on paper
Secrets lie open
Fingers numb and cold as snow
Awaiting what was to come

Wait
Will the wind carry
Songs resounding in my heart?
Whispers in the night...
Arms involuntarily
Reach forthat forever lost

Baliw
Recently I have
Been walking home with a smile
It is a problem
Because people look at me
As though I am in a cage

Baliw2
Do you not wonder
Why my laughter is brighter
When my soul is touched
By the warm light of summer
That seems to overwhelm you?




Wednesday, January 11, 2006

Eeder steedeeder

Kulay luntian ang ating mundo
Puno ng bulaklak at mga ibon
Ang kalabaw ni lolo
Kinukumusta ka.

Naaaliw ako sa kantang ito. Galing to sa 'Fruits Basket' Tagalog edition.

Kulay kulangot ang ating mundo
Puno ng kalabaw at mga ibon
Ang palaka ni lolo
Maraming kulugo

Kulay kulangot ang ating mundo
Puno ng palaka at mga "ibon"
Ang kalabaw ni lolo
Ay kamukha mo

Eeder deeder seeder dee.

Halata bang wala akong masabing matino? Ganyan talaga pag may sipon, may oral exam bukas, may paper, may trabaho, at may sayad ang utak.

Monday, January 09, 2006

Eeder deeder seeder dee

Hay naku. Bagong taon na, halos wala pa ring nagbago, bukod sa nadagdagan ang wrinkles ko at mas mayaman ako kaysa dati. Gago pa rin, batugan, isip tae, at walang magawang matino sa mundo kaya naman itlog pa rin sa pag-ibig.

Ayun. Hindi ko pa rin nakikita ang aking personal legend. Nanay ko na-regaluhan na ng medyas. Kapatid ko marunong na lumangoy. Yung isa ko pang kapatid, magaling na mag-drowing. At ano ako? Isang walang kwentang nilalang na masayang nagtuturo ng Ingles sa mga Koreano.

Eeder deeder seeder dee
Eeder needer deeder see
Deeder seeder eeder dee
Feeder deeder needer dee