Saturday, February 25, 2006

Lagot kayong lahat...

Ignorance is bliss. Little knowledge is danger. Pero sa mga panahong ito, sino nga ba talaga ang nakakaalam?

Itong ginagawa ko, itong sinasabi ko, lahat ay against my nature. Hindi ko naman kinokonsidera ang sarili ko bilang 'tibak-minded'. Pero di naman kailangan ng sobrang talino para maintindihan natin na natatapakan na ang ating pagkatao. Ano na ang nangyari sa mga pangarap mo para sa iyong sarili, para sa mga mahal mo, para sa bansa, para sa mundo? Ang mga di natupad na pangarap na yan ang magsasabi sa iyo ng tunay na kalagayan nating lahat.

Nasa iyo ang pasya. Maraming paraan, di lang naman pagpapaka-tan sa EDSA (o Mendiola, o Makati, o kahit saan pa).


Alam kong malabo talaga ako.

Ito galing sa nanay ko. Mas makabuluhan tong sinulat niya kaysa sa lahat ng tula-tulaang sinulat ko sa buong buhay ko.

Pagluluksa at Pagmumulto ng People Power

Minsang pinagmamalaking People Power
Naiintindihan mo ba?
Kapa-kapain mo,
pakiramdaman mo
kaya mo bang magagap?
Na minsan sa gitna ng mga tangke at baril
pumagitna ang walang puknat na pila ng nagmamartsa
Hanay-hanay:
makinis at galisin
nangangamoy YSL at amoy araw
nagdi-dyeta at gutom
naka-Our Tribe, naka-Addidas, naka-sinelas, nakatapak, at nakasaklay
naka-baseball cap, naka-payong, naka-tubaw, naka-belo
dilaw at pula
MINSANg pagkakataong nagbigkis…

Sana maisip mo rin
na maraming taon
bago pa man humantong sa matagumpay na pagbibigkis na yaon
ay maraming dugo na ang naibuhos
sandamukal na kaluluwa
na humihingi ng katarungan
di-lamang para sa kanilang pansariling kapayapaan at hustisya
kundi, pangunahin, sa matagal nang pagdurusa ng taong-bayan…

dahil kung hindi mo paniniwalaan
na mamumuhunan ka ng sangkaterbang buhay di –lamang pawis at laway
upang humantong sa nakaka-high na people power;
at di-lamang sa loob lang nga ba ng isang linggo
kinayang puksain ang diktadurya…

…baka multuhin ka ng mga TUNAY na mga katauhan
sa likod ng pagwawagi…
huwag naman sanang mawalan ng saysay ang kanilang
kaBAYANIhan.

At pagkatapos noon, akala ng lahat
Tapos na ang kabuktutan
Tapos na ang gutom
Tapos na ang pangsa-salvage…

Ngunit sa isang iglap lang
Di-man lang pumakabilang henerasyon
Nasaan na ang pinaglaban?

Damhin mo ang pintig
Ng muling panaghoy
sa bukid,
sa estero,
sa pabrika;

Damhin ang pintig
Ng sisinghap-singhap na pag-asa
mga rosaryong halos mapatid sa taimtim ng dasal,
mga pila sa lotto, pera o bayong,
mga impok na ine-estafa ng illegal recruiter.

Nasa hukay na nga ba ang pamana ng EDSA?
Siguro nga...
Dahil balita ko, may minumulto sa palasyo.

mayo
17 peb 2006

Friday, February 24, 2006

haaayy...part 3

Ossify
I walk these halls
Expecting to be filled
With the wisdom
Of wondrous years
Like a leech I fed
On the words of great minds
But what have I gained?
I am no different from those
Who wait at the gate.

haaaaayyy.....part 2

Not ten minutes ago, I was testing one of my email accounts and decided to explore my folders of old letters. Reading them transports me to another time, another place, another self. How much I have changed! Not exactly grown, but changed. Old friends...we seemed so close in those letters, but now (though we are in the same unviersity or same city or same country, chorva) there's nothing.

What have I done?

oh well...

Haaaayyyy...employed na naman ako. Buti na lang babae yung tuturuan ko. ^_^ Masaya ito.

Waaaaahhhh!!! Nami-miss ko si ******!!!!!

Distance

Three pieces of chocolate
saved from Valentine's
one for each bitter day
the first for Monday, our
last conversation
the second for tuesday, our
last day together
the third for yesterday, Wednesday
your last day on the same earth as mine
The gold foils, the plastic wrapper
kept in a heart-shaped box
they may survive until White Day
or until next Valentine's...

Goodbyes may be forever
or only for a while
but ours, what is that?

Which one will come
to the other
to reclaim lost time?

Wednesday, February 22, 2006

*yawn*

appleapple
I want to gently scrape off dust that has settled in so many years of disuse. My heart is rusty and forgetful. Whose is that face looking from the sky? Certainly not mine.
I want to look at another with the careless effort of another time. There is nothing in this world left for me to consume.
I want to stop reaching needlessly for the stars of another galaxy. They are all dead by now, useless, lightless, nothing but garbage from ages past. Nobody would die for me, why should I die?
I want to erase everything, but all I can really do is bury them beneath the insignificance of words.

Tuesday, February 14, 2006

Swertihan lang...

Swerte
-ngayon lang may nagbigay sa akin ng tsokolate na di ko kapamilya. aba, ang taray, Ferrero pa. habambuhay kong itatago ang balot ng tatlong pirasong Ferrero, tulad ng unang halik, unang pag-ibig.
-muli kong natikman ang tagumpay. may mga bagay na di mo man gusto ay isusubsob talaga ang sarili sa mukha mo. kakatwang kaming mga walang malay, walang kinalaman, walang magawa...kami ay kabilang sa mga nagwagi. pera pera pera. nakakatuwa.

Malas
-putek na hinaluan ng tae. di ko pa rin natatapos ang kailangang tapusin isang buwan na ang nakakaraan. DE PUTA.

PAAAAKSHEEEEEEEEEEEEEET!!!!

Wala talagang nararating ang buhay ko. TANG ORANGE!!! Babagsak ako sa lahat ng subjects ko!

MAY ALAM BA KAYO TUNGKOL SA MANGYAN TADYAWAN?

Sunday, February 05, 2006

-_-

Haaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyy...may exam sa lingg ngayon. Di pa ako nag-aaral.

Thursday, February 02, 2006

Back to abnormal

Sinusubukan ko pa ring magsulat ng French na tanka. Ngayon, balik muna tayo sa normal na Western-style poem saka isang haiku (5-7-5, Beng).

Peace
Under the green canopy
Of the caterpillary tree
She sits on a stone bench
She'd been tired, it seems
Of the vast sky
Empty but for the faded moon
The weary sun
The barely-living stars
She had cast off her wings
Free for all to take
And plunged into the waters
Of a neverending ocean
But the ceaseless swimming was not for her to love
She had felt drowned, choked
Blinded by a thousand colors
She let herself rise to the waves
And be carried off, away
She woke among the rocks
Mastered them
Run on them until her bare feet
Were shriveled
And until she herself was withered
Now among the still waters
Embraced by the fragrances of the world
Under the shadow of the trees
She rests

++ Potah, nagtuturo ako ng English tapos tae yung grammar ko... -__-


Nocturne
Wade in sleeplessness
The night offers no solace
Just a restless cold