Monday, June 19, 2006

Wang wang wang wang

Wala ako sa matinong pag-iisip. Tampo ako sa swerte ngayon. Tampo rin sya sa akin. Anlaki ng ginastos kong pera today, all for nothing. Harvey, you are one of the contributors to my shitty day, lagot ka bukas.

I got a letter from Jeehyun! Buti pa siya mabilis, di tulad ng iba dyan...*whistles, kahit di marunong*

I've never walked with such a blank stare as I had today. Muntik na akong masagasaan. Alam mo yun, inis na inis na talaga ako! Naiiyak na nga ako eh! Nothing is more exhausting than tiring over nothing. Ang bigat ng pakiramdam ko. Nakakahiya pa nung tinawagan niya ako sa dyip, I was on the verge of crying and shouting. I chose to hang up in time.

Tapos narinig ko pa yung Here Without You sa isang karaoke. Lalo lang akong na-depress. Ang babaw ko no? Madali lang naman akong paiyakin eh, kahit hindi halata. Pakita niyo lang na wala akong kwenta or itapon niyo lang ako sa isang tabi, iyak na ako. Kaya ako bully, eh.

Nga pala, bago kong favorite artist si Nakashima Mika, kahit medyo before pa siya. Cute ng mga vids nya at songs, tapos malinis ang boses niya. My favorite vid so far is Legend. Very visual. Ganda. Magandang kanta rin yung Oborozukiyo~Inori. Sarap talaga sa tenga, pleasant mix of traditional Japanese, orchestra, and synth. Hindi siya super depressing, hindi naman teeny bopper, pero hindi rin easy listening. Calming, maybe? Ganda talaga. Pati si Nakashima Mika, actually, maganda, pero sobrang payat! ^_^

Sige, neks taym, mas makabuluhan siguro. World Cup news? Tie ang Korea at France! Sa wakas, naka-score si Park Ji-sung, pero lucky shot, di tulad nung kina Ahn Jung Hwan at Lee Chun So. At ang linis ng goal ni Henry!

Gaah. Wala. Salamat kay Nakashima Mika, hindi na ako ganoon ka bitter.

1 Ang Mortal na Sumamba:

At Friday, February 23, 2007 6:33:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Wonderful and informative web site. I used information from that site its great. » »

 

Post a Comment

<< Home