Monday, March 26, 2007

Kung ang bintana ay masikip...

...para sa pag-ibig. At sa kung anu-ano pa.

Mamamatay na ako sa dami ng gawain ko! Ngayon ko lang naranasan ang ganito pagkapagod, na parang ang kaluluwa ko mismo ang nauubusan ng enerhiya.

Wala pa rin akong pera para sa field school.

Hindi pa rin complete ang mga INC ko.

Hindi pa rin kami tapos gumawa ng papel para sa Lingg125.

Hindi pa rin humuhupa ang pagkainis ko kina X at Y.

Hindi ko pa rin sila kinakausap.

Hindi pa rin ako nakakapunta sa ospital para magpatingin ng balat (skin).

Letsugas. Maraming letsugas at repolyo. Kalabasa, sitaw, okra, patani, patatas. Kamatis, sibuyas, bawang. Maraming marami.

Kapag umiinom ako ng tsaa, laging ganito ang halo: isang bag ng tsaa (na kalahati lang ang magagamit sa isang tasa), tatlong kalamansi, at mga limang kutsara ng pulot(o higit, depende sa uri). Hindi ako umiinom ng kape. Hindi kaya ng katawan ko ang puyatan, at kahit na anong tulak ng aking utak ay bigla na lang babagsak ang mga talukap ng aking mga mata. Babagsak ang katawan ko sa banig, hihilik, at magigising na lamang akong sinusunog ng araw ang aking mga pilikmata.

Tuesday, March 20, 2007

Dumadalas ah!

Was surfing youtube. This song is "Shima Uta" (Island Song). Grabe, I love GACKT!!!!! Mwah! And I like the sound of folk songs. ^_^ No surprise, I like Nakashima Mika's "Oborozukiyo ~Inori~". ^_^



Saturday, March 17, 2007

PENIS SONG

Hehe...tagal ko nang gusto ilagay to dito. Hihi... bagay daw saken tong kanta. ^_^

TRIVIA: Nga pala, alam niyo bang ang ibig sabihin ng salitang 'titi' dati ay hindi yung ari ng lalaki? Ang kahulugan nito ay 'matapang'. Hal: Waw! Ang titi naman ni Robin Padilla! Tumalon siya mula dun sa trak!!!

Ayun. Obvious naman kung paano nag-evolve no?

Itinutuloy lamang...

Ikatlong Yugto: Ang Pagbubukas

Nagbukas na ang aming eksibit na LALIM noong nakaraang Martes. Mabuti naman ang kinalabasan, masarap naman ang dalawang bilaong pansit at ilang kahon ng Zest-O. Maganda naman ang mga komento ng karamihan, at natuwa naman ako sa sinabi ng aking kaklase na humingi daw si G. Zeus Salazar ng kopya ng tulang sinulat ko para sa eksibit. Mahusay ang pag-awit ni Denzil, kahit apat na araw na siyang walang tulog.

Mayroong isang kakaibang pangyayari na may kinalaman kay Lean.

SACHI: Kuya, wag ka madi-disturb ha, pero napanaginipan kita kagabi, nagva-violin ka.
LEAN: May damit?
SACHI: Oo...pero ako yata yung na-disturb sayo, kuya.

Wala lang. Hindi pa ako nananaginip ng may ibang taong hubad.

>>WAKAS<<

Sunday, March 11, 2007

Isang karanasan sa Arkiyolohiya



Sa Martes, ika-13 ng Marso, pormal nang bubuksan ang eksibit ng aming klase sa Antro 111 (Introduksyon sa Arkiyolohiya). Isang buwan na naming pinagtatrabahuhan ang eksibit na ito, nagsasaliksik, nagpaplano, nagdidisenyo. Ngayong linggo ang pinakahuli at pinakamaatikabong bahagi ng aming paghahanda, at sa loob ng dalawang araw, walang patumangga kaming nagtatrabaho sa Museo at sa Aklatan. Nag-ayos ng mga artifakt, sumulat ng mga dokumentong isasama sa eksibit, nagpaganda ng eksibit.

Hindi maiiwasang sa mga pagkakataong ito may mga nangyayaring hindi inaasahan--nagkakagaguhan, lokohan, kilanlan. Aking ibabahagi sa inyo ang ilang kasiya-siyang pangyayari habang kami'y nagtatrabaho.

Unang Bahagi: Biyernes
Ako ay kasapi ng Komite ng Pananaliksik. Kami ang nagsasagawa ng mga panayam, naghahanap ng mga bagay na isasama sa eksibit, at nagsasala ng mga dokumento. Tumutulong din kami sa ibang komite, partikular sa Lojistiks, upang pandagdag sa kanilang pwersa.

Sa kasamaang-palad, naramdaman kong tuwing may pagpupulong ang aming mga komite, isa ako sa mga tahimik na nilalang na nakikinig sa mga balita ng iba. Naramdaman kong wala pa akong makabuluhang ginagawa para sa aming proyekto kaya noong nanghingi ng tulong ang aming propesor upang tumulong sa pagpili at paglista ng mga artifakt, agad akong nag-alok ng aking serbisyo.

Alas kwatro ng Biyernes, ika-9 ng Marso kami sumugod sa Laboratoryo ng Antropolohiya upang tingan ang Koleksyong Beyer na nakaimbak doon. Kasama sina Prop. Maria Mangahas at Prop. Carlos Tatel, Jr., namili kami sa mga palayok, kagamitang bato, at mga lumang dokumento kung alin ang maaring isama sa eksibit. May mga nakita kaming mga lumang dokumento, galing pa sa dekada beinte, mula sa mga papeles ni Dr. Marcelo Tangco. Ako ang naatasang maghanap ng mga dokumentong may kaugnayan sa aming eksibit.

Parang bigla akong napadpad sa nakaraan, tulad ni Hiro Nakamura. Ang amoy ng lumang papel, ang pakiramdam nito, ang pagkaselan nito, dama ko ang tanda nito. Ang sarap hawakan, ang sarap basahin. Di ko mapaniwalaang nasisilayan ko at nahahawakan ang pirma ni H.O Beyer, ni Marcelo Tangco, at ng iba pang mga personahe sa antropolohiya. Ibang klase ang pakiramdam, parang isang lihim na gusto mong sarilinin, itago.

Wala akong nakitang may kinalaman sa aming eksibit, subalit ang iniwan nitong impresyon sa aking puso at isipan ay di maipagpapalit.

Ikalawang Bahagi: Ang Biyulin ni Lean

Hindi ko alam kung ang biyulin o si Lean ang umantig sa akin. Hindi ko alam kung bakit kahit na anong awiting kanyang tugtugin, mapa-OPM man o klasikal, ay parang isang napakalaking piraso ng tsokolateng hindi ko pagsasawaan.

Buti na lang at may kapaguran siya. Muntik na akong maiyak.


Tuesday, March 06, 2007

Hay nako...

Well, the only thing that makes me happy these days is receiving mail from my Korean friends. And watching YAOI anime. And dramas. And listening. And writing songs. And---oh, f* it.

I am frustrated with school, and as this takes up most of my mind, time, and energy, it means I AM DEEPLY FRUSTRATED. I am quickly turning into a hopeless delinquent and this worries me because now is not the time for it. Not now that I am entering my senior year in college.

I will fall apart soon if I don't do something. Literally DO SOMETHING. And my best, I suppose. Cramming is not an option. But...

Also, I am bothered by a particularly persistent question at the very back of my mind.

BAKIT SI BAKEKANG, PINAG-AAGAWAN NG DALAWANG LALAKI?

Most of us don't even have ONE. At mas maganda tayo sa kanya. TAE. Soooooooo unreal.

Sa dinami-dami ng TAEng nasabi ko, pwede na ako gumawa ng Wishing Toilet. At lahat ng wish ko, tupad na. Syet tae jebs.