Kung ang bintana ay masikip...
...para sa pag-ibig. At sa kung anu-ano pa.
Mamamatay na ako sa dami ng gawain ko! Ngayon ko lang naranasan ang ganito pagkapagod, na parang ang kaluluwa ko mismo ang nauubusan ng enerhiya.
Wala pa rin akong pera para sa field school.
Hindi pa rin complete ang mga INC ko.
Hindi pa rin kami tapos gumawa ng papel para sa Lingg125.
Hindi pa rin humuhupa ang pagkainis ko kina X at Y.
Hindi ko pa rin sila kinakausap.
Hindi pa rin ako nakakapunta sa ospital para magpatingin ng balat (skin).
Letsugas. Maraming letsugas at repolyo. Kalabasa, sitaw, okra, patani, patatas. Kamatis, sibuyas, bawang. Maraming marami.
Kapag umiinom ako ng tsaa, laging ganito ang halo: isang bag ng tsaa (na kalahati lang ang magagamit sa isang tasa), tatlong kalamansi, at mga limang kutsara ng pulot(o higit, depende sa uri). Hindi ako umiinom ng kape. Hindi kaya ng katawan ko ang puyatan, at kahit na anong tulak ng aking utak ay bigla na lang babagsak ang mga talukap ng aking mga mata. Babagsak ang katawan ko sa banig, hihilik, at magigising na lamang akong sinusunog ng araw ang aking mga pilikmata.
2 Ang Mortal na Sumamba:
minsan, kapag hindi ko na kaya yung stress, bumibitaw ako. meaning, mas hindi ko ginagawa yung mga dapat kong gawin. bahala na. kadalasan naman ayus eh. talagang komplikado ang buhay. hinay-hinay lang.
hi sach!! :-)
Post a Comment
<< Home