Tuesday, September 02, 2008

My sense of smell.

I'm not an olfactory person. Kahit sexy nose ako, mahina talaga ang pang-amoy ko. Bihira kong gamitin ang expression na "I smell fishy"--este, "I smell something fishy" pala. Hindi ako nakaka-recognize ng mahihinang amoy. Nung may Buy One Take One ata si God ng ilong at smell, hinakot ko yung ilong pero hindi ko nakuha yung mga free na sense of smell.

Kanina, nagrereklamo mga officemates ko na mabaho daw sa teaching area namin. Mga trenta minutos na ako nasa teaching area, wala akong naamoy na mabaho. Sabi nila, mukhang galing sa aircon. Bilang nasa ilalim ako ng aircon, kinabahan ako. Baka mamaya nalalanghap ko na ang essence ng patay na daga. Eeeewwwww.... Worse, baka mangamoy dead Scabbers na rin ako.

Hanggang ngayon, di ko pa rin naamoy yung sinabi nila. Not as strong, pero minsan may nahihinagap akong faint na dead Scabbers. Erk, kakasuka.

Baka naman kaya ko hindi naaamoy yun ay dahil sanay na ako sa amoy na yun. Araw-araw bahay namin eh. Pag umuuwi nga Nanay ko, nagrereklamo rin siya na mabaho yung bahay, pero wala kaming naaamoy. Wah, nakakahiya sa bisita!

Syet. Baka mamaya umutot ako somewhere tapos kala ko makakalusot na walang makakaamoy tapos biglang nuke bomb na pala.

Errrrrrrrrkkk.

0 Ang Mortal na Sumamba:

Post a Comment

<< Home