Isang Malaking Ka-ungasan
Ito ay isang patunay ng aking kabaliwan.
Pauwi ako kagabi galing dun sa event namin sa Tribu, nakasakay ako sa isang dyip papuntang Divisoria. May radyo sa dyip at nung una, mga pangit na remixes ng old songs yung pinapatugtog. Mukhang nagsawa ang drayber kaya nag-switch siya sa FM.
Aba't biglang pinatugtog ang "Here Without You" ng Three Doors Down.
Sa lahat nga naman ng pagkakataon, bakit noon pa? Matagal ko nang inaabang yang putragis na kantang yan. At malas pa, malapit na ako noon sa bababaan kong kanto.
So, imbes na bumaba ako dun sa dapat kong babaan, tinapos ko yung kanta at bumaba ako sa SM Centerpoint. At nilakad ko mula SM hanggang sa bahay namin kasi wala na akong pera at wala na rin namang dyip.
Mga alas tres ng madaling-araw yon.
Grabe...iba talaga ang nagagawa ng isang awitin.
=ITUTULOY NEKS TAYM KASI UBOS NA ORAS KO=