Friday, February 25, 2005

Isang Malaking Ka-ungasan

Ito ay isang patunay ng aking kabaliwan.

Pauwi ako kagabi galing dun sa event namin sa Tribu, nakasakay ako sa isang dyip papuntang Divisoria. May radyo sa dyip at nung una, mga pangit na remixes ng old songs yung pinapatugtog. Mukhang nagsawa ang drayber kaya nag-switch siya sa FM.

Aba't biglang pinatugtog ang "Here Without You" ng Three Doors Down.

Sa lahat nga naman ng pagkakataon, bakit noon pa? Matagal ko nang inaabang yang putragis na kantang yan. At malas pa, malapit na ako noon sa bababaan kong kanto.

So, imbes na bumaba ako dun sa dapat kong babaan, tinapos ko yung kanta at bumaba ako sa SM Centerpoint. At nilakad ko mula SM hanggang sa bahay namin kasi wala na akong pera at wala na rin namang dyip.

Mga alas tres ng madaling-araw yon.

Grabe...iba talaga ang nagagawa ng isang awitin.

=ITUTULOY NEKS TAYM KASI UBOS NA ORAS KO=

2 Ang Mortal na Sumamba:

At Friday, February 25, 2005 8:54:00 PM, Blogger Cyril said...

Meron akong mp3 nun...
Wala lang, share ko lang...

Wahahahahahah!!!Astig ka talaga sachi!

 
At Saturday, March 05, 2005 4:18:00 AM, Anonymous Anonymous said...

cool!! nakakarelate ako dahil ginawa ko na rin yan hahaha!!! mis u na sachi!!! mwah!!! diyosang ungas pala ha!!!

 

Post a Comment

<< Home