Sunday, March 27, 2005

Isa na namang kaekekan

Hunyango

Kaluluwang retokado
Budhing kay itim
Sinabon ng papaya
Binalot ng ginto
Itinaas sa altar para makita ng lahat
Naghuhumiyaw na pansinin
Mapagpanggap

Tumingin sa salamin
Walang-tigil na aleluya
Kriminal na nagdamit-pari
Balat ng ahas na itinago sa ilalim ng makulay na seda
Kumikislap

May araw rin
Ang altar mo'y babagsak
Baluting ginto'y mayuyurak
Makikita ng lahat
Itim na budhi
Sinunog ng apoy ng Impyerno
May araw rin...

1 Ang Mortal na Sumamba:

At Sunday, March 27, 2005 5:11:00 PM, Anonymous Anonymous said...

whoa... writer talaga... *clap!clap!* bansai!!

 

Post a Comment

<< Home