Still Cramming (this is soooo layk Eksenang Peyups, but nat rili mats)
Haaay, hirap talaga maging diyosa. It's so busy, ya know! I'm still cramming to meet my deadlines. But I have to make singit this entry pa, because nga, I'm so diyosiful.
Moving on, maganda ang araw ng lulah mo. Oo, ako yon, bakla. Kasi ba naman, nakasalubong ko ang dati kong crush na itatago na lang natin sa pangalang Kakashi. Not exactly salubong nga yun eh, more like hinabol ko sya.
*narrator mode* Tahimik akong tumatambay sa AnthroSoc nung mga oras na iyon. Napatapon ang tingin ko sa may bandang FC at tumambad sa aking paningin ang isang lalaking mahaba ang bujok na naka-ponytail, naka-oreynds na shirt, at blue-green Jansport. Sino pa ba, eh di si Kakashi! Kumaripas ako literally, and for palusot purposes, nilagpasan ko siya. But no, tinawag niya ako! Ang lulah, nalunod sa kilig! Wave na lang ala diyosa at takbo once again.
Pagkatapos ng class ko sa EL 50, nakita ko uli siya. Dis taym, nagkasalubong talaga kami at trulalang by Fate na itich. But no, di niya yata ako nakita dahil lunod din siya sa kinakain niyang pishbol ata yun. Derfor, aketch na ang bumati. En den, tinanong ko siya kung tatambay siya. He made sabi, "May exam ako mamaya 5-7." I didn't hear quite clearly, binge as I was. So, I made him paulit his quote. "May exam ako mamayang 5-7." Then I made tanong where. He sabi-ed, "Sa Eng." Den I made belat and said gudlak. And we parted ways.
I briefly went to the AnthroSoc tambayan to make kumusta my prendliprends der. Den I made pakita to Vince dat person Kakashi. Den I was still kilig. ^_^
Oh my gas, my deadline is here na! Sige, I'll flee na muna, okays? Ay, bikos nga pala my day is so diyosiful, I'll make gawad to you 4 months of swerte. ^_^ Maybe you can surbayb your paynals na. ^_^
0 Ang Mortal na Sumamba:
Post a Comment
<< Home