Sunday, March 27, 2005

One Down, Tatlo na Lang

Haha. Tapos na exam ko sa EL 50. Keribells naman. Nakasagot naman ako nang matino. Bukas, Math at French. Letse. Kahit exempted ako sa Math, kukuha ako finals. Ang baba kasi ng grade ko.

Nakapagtataka na ngayong college ako nanghihinayang sa grades ko. Supposedly, mawawala yan lahat pagtapak ko sa UP kasi ang mas mahalaga sa pagpasok ko dito eh yung may natututunan ako na labas sa acads. Yun nga yung ikinaiba ng UP sa iba at yung ikinaiba ng college sa high school.

Naging mataas ang expectations ko sa sarili ko ngayon. Sa bagay, hindi naman sa pagmamayabang, just stating facts, pero US kasi ako last sem. Ayoko naman yung biglang shuuuuuuuung! bagsak.

Puchang acads talaga. Sagabal sa buhay.

Kailangan ko talagang remedyuhan ang buhay ko. Siguro tama sila, kailangang magseryoso kahit konti. Ewan natin, sana may milagrong mangyari.

0 Ang Mortal na Sumamba:

Post a Comment

<< Home