Friday, June 23, 2006

Go ma wo, saranghae

Huling gabi na namin to ni Harvey. Bastos, huling gabi ng pag-aaral! Sinamantala ko na. Binigay ko na yung preposition book ko. One hour lang kami, tapos labas. Inattempt niya akong dalhin sa isang bar sa Mabini where he usually goes to, kaso hindi kami pinapasok kasi naka-slippers akei. Mga bobo! Did I look like some frikkin URUK-HAI na manggugulo lang sa loob? Hallllllllllllleeeeeeeeeerrrrrrrr!!! May fashion sense ka ba or at least may idea ng latest footwear? Or are you stuck in a time period na poor lang ang nagtsi-tsinelas? They're called flipflops, dude. (Sachi, they're just doing their job. May rules na kailangan sundin, but I agree na they are quite subjective. Forgive them. It was a choice.)

Anyway, tapos na. And I had a cam, so kahit i-forgive nila ang tsinelas, la pa rin. At maingay, nakakatakot! Brrrrr!

(SEGWAY: Shit, someone just blew air against my neck, pero walang tao. FOOOOOTAAAAHH.)

Since his choice was a flop (pun not intended), lakad kami to Baywalk, which was my original choice. And along Baywalk. Hanap kami kainan. Habang tumatawid kami, may dumaan na puting pendong. Pareho kaming na-startle at sabay nagreact. Iwas ako sa palo niya sabay palo din ako. At natamaan ko mata niya! Sorry, Goriguana! Kala ko nga magagalit sya eh, hindi naman. Kung lalaki siguro ako, nasagasaan na ako. ^^


(SEGWAY: Kanina ko lang nalaman na may nakakita sa amin. Si Kuya JR ng Lingg dept. Syeeeeeet. Nanood din siya ng Condors at nakita niya kami sa Baywalk.)

Natanaw ko ang mailaw at mukhang masiglang Lungsod ng mga Bituin, o mas kilala sa tunay na pangalang Star City. Gusto ko! So nilakad namin parang mula Mabini hanggang CCP! At nakasalubong pa namin si Jayjay na galing sa Condors sa CCP! ><>

Medyo kinabahan ako baka kasi ma-offend siya kay Jayjay, who can be a little frank. Pero things were OK, I guess, since walang nambugbog. Punta na kami ni Goriguana sa Star City at si Jayjay ay umuwi na. Naguluhan ako sa Entrance, which was a little embarrassing on my part, pero maayos naman. According to the staff, nagsasara sila at midnight. 11 PM na nun. So Three Cheers lang binili ko. Gori insisted na mas mura ang ride-all-you-can at 190, pero given the time, hindi siya practical.

It proved true.

Una naming sinubukan yung Zyklon Loop, isang mini-roller coaster kung saan natanggalan ng butones si Brimen. Nostalgia attack again! Mild ang Zyklon, mas inalala ko pa ang pagkasabog ng gamit ko na hawak ni Harvey. Bitin kasi isang round lang. Pero wala namang butones na natanggal (or matatanggal, for that matter).

Siya pumili ng neks. Predictable choice. Ice House. Mahilig mantorture yan by low temperature, gumaganti kasi mas sanay ako sa init. :P Dare sa akin: walang jacket. Ang suot ko non ay soooo summer: ang blouse ay thin na Indian, skirt above the knee at flipflops. >.<>

Graaaaaaaaabeeeeeeeeeee anlameeeeeeeeeeg! Shit....surei shimasu! As in! Pagpasok na pagpasok ko, tayo ang lahat ng balahibo, goosebumps, nag-freeze yung ilong at mga daliri ko. XD Ang gori, ni hindi natuyuan ng pawis, "Cool," lang sa kanya yun. Nung nasa army kasi, they ran naked outdoors at kung may body of water, swim. Syeet. Buti na lang walang winter dito.

Last ay Magic Carpet. Medyo boring. Parang Anchors Away na mini. Naalala ko nung pumunta ang Math Area dun, kumanta si Kuya Romale ng PCS Hymn habang nasa ride. Hahahaha! Anyway, kainis si Goriguana, pinagtatawanan niya ako. "Maybe you patay na!" Adeek. Tapos tinitingnan pa niya reaksyon ko. Naman no! Hello! :P

Ayun. Magmi-midnight na nun eh. Nanood lang kami ng mga bokot na nagbabasketball para manalo ng laruan. 9 shots in 25 seconds. Parang gusto ni Gori, pero sabi niya ayaw niya.

We left at 1145. Took a taxi to Mabini. Sa Del Pilar. I was a little doubtful and traumatized dun sa earlier incident, kaya I had my qualms. At ang tang orange na driver ay nagsabi pa ng, "Tanong mo kung saang hotel." Tang mangga! Assuming! DID I LOOK LIKE A DAMN WHORE?! Jerk! F***ing stereotyping git. Can't blame him though. Kinorek ko na lang. "Kuya, restaurant po."

Bumaba kami sa isang quaint Korean-Chinese restaurant sa may LA Cafe. Kala namin maraming tao, pero it was empty save for the two of us and two more old men (who kept staring, by the way). We ordered Chajangmyun (black noodles) and another noodle dish in what looked like kimchi soup. Grabe, I was pleasantly surprised sa lasa ng Chajangmyun. Kala ko chaka, since black nga sya at mukhang naliligo sa maalat na toyong malapot or noodles in Marmite, pero I was wrong. Masarap siya. As iiin! I absolutely loved it, kahit namantsahan ng konti ang damit ko.

In fairness, di kami uminom ng Soju, H20 lang. Natuto na siya nung sa FRIDAY the 9th k k k.

Ayun, hinatid niya ako sa sakayan ng jeep. Takot ako magtaxi mag-isa sa lugar na yun no. Lagi akong jeep. Siya naman, punta sa friend niya, nood sila World Cup siguro. Pity we had no pictures, nakalimutan kong hiniram ko ang cam ni Mimi. :( Hindi natupad ang aking dream "What-ever shot" with Goriguana. Oh well. Whatever.

0 Ang Mortal na Sumamba:

Post a Comment

<< Home